Buong akala ng karamihan kapag "GRADUATE NA, SA WAKAS MAKAKAPAG WORK NA!".

 Buong akala ng karamihan kapag "GRADUATE NA, SA WAKAS MAKAKAPAG WORK NA!". 

Pero di nila alam ang STANDARDS ng mga company dito sa Pilipinas. 




Nung grumaduate ako ng IT, hindi ako tinanggap ng mga company dahil kailangan daw nila yung may atleast 2 years of EXPERIENCE. 


Kaya naghanap ako ng work na related padin sa IT which is Tech Support sa isang BPO (Call Center). Bago ka makapasok sa BPO, kailangan fluent ka sa English, kapag di ka nasanay sa pagsasalita, initial interview palang lagpak kana, kahit iperfect score mo pa yung written exam. 


After ng 2 years of experience, dun lang ako naging eligible magapply as an IT Helpdesk Support. At take note dahil daw first IT Job ko yun, ang sahod ko ay pang entry level lang. 


Habang yung intern sa ibang bansa kumikita ng 10-20$/hour, Dito, nagtiis ako sa minimum wage/8 hrs na sahod para lang sa EXPERIENCE. 


Sasabihin ng iba, di kapa naging grateful kasi may trabaho ka. Di naman kasi yun yon, dahil sa di maintindihan na STANDARDS ng mga kumpanya dito, marami satin yung nawawalan ng SELF ESTEEM AT CONFIDENCE


Dahil sa STANDARDS dito, marami ang mga graduates na magagaling ang napupunta sa mga trabaho na hindi sila MASAYA. 


LIFE IS SHORT


Kaya sa mga Ggraduate palang this year. Make sure na bukod sa pinagaralan nyo, marunong din kayo dumiskarte sa buhay. Kasi minsan mas maganda pa yung buhay ng mga hindi naka graduate kumpara sa mga naka graduate. 


KASI DITO SA PINAS, LAMANG ANG MADISKARTE. 


KUNG GUSTO MONG UMASENSO SA BUHAY, WAG KANG AASA SA ISANG SOURCE OF INCOME LANG. 


Kasi ang TOTOO, mas MALAKI pa yung kinikita ng mga Drivers, Online Sellers, naglalako ng Pares at minsan kahit mga Barker kesa sa ibang mga nagoopisina. 


#PinasKongMahal #SadReality


✍️ by R e c e s s i o n/ Facebook Pages 

We hope you are all well and studying diligently for the upcoming Bar Exams. Please consider donating to assist us in keeping our website up to date for future reference. This will allow us to continue assisting our law students and future Bar candidates by providing them with useful content to aid in their legal studies.


-Atty Phil. Juris.

Comments

Popular posts from this blog

SUGGESTED ANSWERS TO 2023 BAR EXAMS ON CRIMINAL LAW

Q. No. 2 | Political Law | Suggested Answer | Bar 2023