"Gusto ko lang naman mag 0.5 pero bakit?ðŸ˜ðŸ˜"
"Gusto ko lang naman mag 0.5 pero bakit?ðŸ˜ðŸ˜"
❎bumili para kainin
✅bumili para ipakain sa aso
Kinaaliwan ng netizens ngayon ang entry ng isang Facebook user na si Mary Rchel Vigo sa nauusong 0.5, pero hindi niya inaakalang may kakaibang mangyayari dito.
Ayon kay Mary, nagkayayaan daw silang magkaibigan na kumain ng street foods after ng exam.
"Ater exam po yan, nagkayayaan kumain ng street foods and then nagtry po ako mag 0.5, di ko po namalayan na nasa likod ko pala yung aso," ikinuwento niya sa Balita Online.
Dagdag pa niya, buti na lamang at napansin niya sa picture na dinilaan na pala ng aso ang pagkain niya, kaya hindi na niya ito kinain. Kung hindi niya raw ito nakita, baka ngayon tumatahol na rin siya. 🤣
"Kung hindi ko tiningnan ang picture, 'di ko din nalaman na dinilaan na pala ni doggy. Buti na lang hindi ko kinain baka tumatahol na rin ako ngayon ðŸ˜," paliwanag niya.
📸: Mary Rchel Argos Vigo/ FB
See original post here:
hahah grabe ang tawa ko dito =)
ReplyDelete