Netizen, hinahanap ang may-ari ng napulot na ₱120 na may kasamang sulat ng isang ina

 


“Mga anak ko, paghati-hatian ninyo ‘to. Love, Mama.” 


Isang liham na may kasamang paper bills na nagkakahalaga ng ₱120 ang napulot ni Ghie Tabinas-Consuelo sa service road ng Quezon Avenue. Kaniya itong pinost sa Facebook sa pag-asang mahahanap niya ang may-ari nito. Ramdam niya na kailangan ito ng may-aring isa ring ina tulad niya. 


“Kinurot po ‘yung puso ko sa mensahe ng nanay. dama ko po kasi sa letter ng nanay na pinaghirapan niya ‘yung maliit na halaga at hinati nang pantay-pantay sa anim niyang anak. Nakakaluha po sobra ‘yung message. Kaya gusto kong maibalik,”

 aniya. 


📷: Ghie Tabinas-Consuelo

✍️: Balita | read here

 

Comments

Popular posts from this blog

SUGGESTED ANSWERS TO 2023 BAR EXAMS ON CRIMINAL LAW

ABOUT • ATTY. RUWEE O. TUPUE • PROFILE